Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Miyerkules, Mayo 13, na may naganap na namang ashfall sa ilang bahagi ng Albay bunsod ng pyroclastic density currents (PDC) o uson galing sa Bulkang Mayon.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatili ang mataas na aktibidad ng naturang bulkan.
Pinaalalahanan din ang mga residente na ipinagbabawal pa rin nag paglapit o pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone ng Mayon.
Samantala, sa hiwalay na ulat, nagbabala rin ang ahensya kaugnay naman sa mga maling impormasyon patungkol sa aktibidad ng nasabing bulkan.
Paalala nila, huwag bastang maniwala sa mga ito, at siguruhing bisitahin ang mga opisyal nilang pahina para sa tamang impormasyon.