NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Health (DOH) sa matapang at buong pusong paglilingkod bilang pangunahing ahensiya ng gobyerno sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa bunspd ng COVID-19.
Sa pahayag na ipinalabas ng PSC sa kanilang Facebook page, sinabi ni Chairman William “Butch” Ramirez na hindi biro ang kinakaharap ng buong bansa at ang responsibilidad ng DOH para maabatan ang krisis ay hindi maikumumpara maging sa pagpapatupad ng programa sa sports.
“It is not easy to lead the agency in this crisis. Like us, when we embarked on a wide scale grassroots program they do not have a blueprint,” ani Ramirez.
“Ang DOH, ang mga doctors, nurses, mga pulis at militar ang mga nasa frontline. Salamat po sa sakripisyo nyo,” aniya.
Hindi kaila sa lahat na noong nakaraang Lunes ay nagpasya si DOH Secretary Dr. Francisco Duque III na sumailalim sa self isolation process matapos na makasalamuha ang isa sa mga nagpositibo.
Gayunman, negatibo naman ang naging resulta ng test ng nasabing kalihim.
Pinasalamatan din ni Ramirez ang Under Secretary na si Maria Rosario Vergeire sa matapang din nitong pag-ako sa trabahong pansamantalang iniwan ni Secretary Duque.
“I thank Usec. Vergeire for the constant updates, reminders and guidance. Malaking tulong po ito sa lahat,” ayon pa kay Ramirez.
-Annie Abad