ANG suwerte ng mga health workers na taga-Taguig City at puwede rin ang mga taga-Makati City dahil dito ipinatayo ni Angel Locsin ang mga tent na puwedeng tuluyan kapag hindi sila makauwi sa kanilang mga tahanan dahil sa kawalan ng masasakyan.
Nitong Marso 20 lang nanawagan si Angel sa mga kaibigan na humihingi ng kama para sa health workers at pagkalipas ng dalawang araw, Marso 22 ay naipatayo a niya ang tents at trailer trucks na may banyo.
Sobrang excited si Angel na i-share sa publiko ang donations na may mga sweet messages tulad ng matresses, mga unan na may nakalagay na, ‘Miracles happen everyday.’
Base sa napanood naming video ay abala ang disinfecting team ang bawa’t tent na tutuluyan ng health workers.
Base sa post ni Angel sa kanyang Instagram account kasama si Neil, “Operation Day 2 with my rock. #HealTheWorld”.
Umani naman ng 203K likes at 1,265 comments na pawang pinasasalamatan ang aktres dahil sa napakamabilis nitong pagtalima kapag ganitong may kinakaharap na krisis ang bansa.
Ang ilan nabasa namin, “Keep safe Darna! Thank you for being our Darna in all the way.”
Napansin ng netizens na hindi surgical mask ang gamit nina Angel at Neil kaya pinayuhan sila ni @crizzyjoe, “Pls be careful of using masks how to use and remove it remember its a fitter meaning there’s a lot of microbes already accumulate in that masks. SO DON’T TOUCH IT when you remove alcoholize 1st ur hand and touch the string one at the side then alcohol hands again after removing masks PROTECTION AND PREVENTION is better than cure.”
Sinagot ng aktres ang paalalang ito ni @crizzyjoe, “I know, ibinigay ko na lang po sa mas nangangailangan.”
Ang daming nagmamahal kay Angel at pinaaalalhanan siya na magpahinga rin at mag-iingat dahil bawal siyang magkasakit.
Sa totoo lang alam namin ay iniinda rin ni Angel ang kanyang likod pero hindi naging balakid ito para tumulong siya sa mga nangangailangan.
Ayon kay @maryannmiranda_usa ay young version ni Mother Teresa ang aktres.
“You are the young Mother Theresa, you are always there to lend a helping hand meron man o walang calamities dinaig mo pa ang mga me posisyon or katungkulan sa government sa pagtulong sa kapwa. ‘Yung ibang me posisyon na matataas na nagtatago sa kanilang bahay (hypocrites). Kapag panahon ng kampanya, ang gagaling nangangapit bahay, nasaan sila ngayon? Meanwhile, here you are todo hirap sa pagtulong sa lahat. Hija, ingatat moa ng sarili mo, please don’t get sick. Thank you @neil_arce for being a good husband, to be supportive to Angel in the sky. Your kindness is contagious, keep inspiring others! Luv you Angel!”
At natawa kami sa komento na, “Legal wife rocks” na sumakto dahil muling ipinalalabas ngayon sa ABS-CBN ang teleseryeng Legal Wife kasama sina Jericho Rosales, JC de Vera, at Maja Salvador.
Habang tinitipa namin ang balitang ito ay abala pa rin sina Neil at Angel sap ag-aasikaso ng tents at iba pang kailangan ng health workers.
-REGGEE BONOAN