SHORT but sweet ang convo nina Rhian Ramos at Israeli boyfriend niyang si Amit Borsok. Nag-post kasi si Rhian ng photo nilang dalawa at nilagyan ng caption na “Anniversary time travel, since real travel isn’t an option.”

Rhian ar Amit

Sumagot ang BF ni Rhian ng “@amitborsok haim sheli madbuha katan” na ikinatawa ng nobyo ni Rhian. Silang dalawa rin lang ang nakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng Israeli phrase na ‘yun.

Samantala, napupuri si Rhian sa mga eksena sa GMA-7 primetime series na Love of My Life dahil mahusay siyang bida-kontrabida, brat at pasaway. Dalang-dala rin nito ang pagka-sosyal ng karakter niyang si Kelly na single parent. Hindi nagpapahuli si Rhian kina Carla Abellana at Coney Reyes sa confrontation scene nilang tatlo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May chemistry din sina Rhian at Mikael Daez na sa story, mukhang magkakaroon ng relasyon. Sa episode this Monday, malalasing ang dalawa at magkakamali si Kelly ng pasok ng kwarto at sa kwarto ni Nikolai (Mikael) sina matutulog. Parehong magugulat ang dalawa paggising at ang malala pa, makikita sila ng mom ni Nikolai na si Isabella (Coney).

-Nitz Miralles