Nakipaghatian ng puntos si Filipino Grandmaster (GM) Mark Paragua kontra kay Serbian Grandmaster Master (GM) Milos Perunovic sa ninth at final round para tanghaling overall champion sa katatapos na Marshall Spring 2020 Grandmaster Norm Round Robin chess tournament na ginanap sa Marshall Chess Club sa Manhattan, New York last March 2, 2020.
Ang dating Filipino whiz kid mula Marilao, Bulacan ay nakamit ang tiulo matapos makapagtala ng 7 points sa nine outings mula sa 6 wins, two draws at one loss.
Giniba ni 1998 World Rapid Under-14 champion Paragua sina International Master Alexander Kalikshteyn sa first round, Qibiao Wang sa third round, International Master Hans Nieman sa fifth round, Fide Master Joshua Colas sa sixth round at International Master Kevin Wang ng United States sa seventh round at International Master Kassa Korley ng Denmark sa eight round at penultimate round.
Nakipaghatian siya ng puntos kina Uzbek Grandmaster Djurabek Khamrakulov sa second round at GM Perunovic sa final round. Nalasap niya ang nag-iisang pagkatalo sa kamay ni American chess prodigy International Master Christopher Woonjin Jo sa fourth round