Si Moira de la Torre ang napili ng Disney Philippines na mag-record ng local version ng Reflection, ang iconic theme song ng pelikulang Mulan, na mapapanood na simula Marso 25.

MOIRA

Matatandaang sina Christina Aguillera at Lea Salonga ang mga naunang mag-record ng Reflection noong 2011 para sa animated version ng nasabing pelikula.

Ayon sa Cornerstone talent, una niyang kinanta ang Reflection noong siya ay 7 taon gulang sa church at singing contest sa eskuwelahan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“This is The very definition of a full circle moment. When Iwas a young girl, the first song Iever got to sing on my own in front of an audience was “Reflection” from Disney’s Mulan. And now, almost 18 years later, Iget to sing it in front of the world…Ican’t wait for all of you to hear the song and to watch the music video, both of which will be coming out very, very soon,”post niya sa Instagram.

“It means so much to me (Reflection) because it talks about bravery being a woman empowering others to do your fight in your battles,” sinabi ni Moira.

Inamin din ng mang-aawit na binigyan siya ng laya ng Disney Philippines ng sarili niyang version na noong una ay ikinatakot niya dahil baka may ibang gusto.

Kaya sobrang nagpapasalamat si Moira sa magandang oportunidad na sa kanya ipa-record ang Reflection version 2020.

-Reggee Bonoan at Nitz Miralles