Ang masayang convo nina Barbie Forteza at BF nitong si Jak Roberto sa Instagram (IG), kung saan sinagot ni Barbie ang comment ni Jak na “@barbaraforteza girlfriend ko yawnnnn” na obvious na very proud sa pagku-cover ni Barbie sa isang digital magazine.

BARBIE

Aliw ang sagot ni Barbie na “@jakroberto Yessss congratulation. Ang swerte mo” na tinawanan ng mga nakabasa.

Pinost kasi ni Barbie ang cover ng Stail.Ph na kakaiba ang layout, kaya very proud ang BF niyang si Jak. Dahil sa sagot ni Barbie sa comment ni Jak, naging comedy ang caption ni Barbie sa kanyang post.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Post si Barbie: “It feels odd seeing myself on a cover of a magazine. This is my very first solo cover and I’m so kilig!.”

Speaking of Barbie, napupuri ang pagigig versatile actress niya sa GMA-7 teleserye na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday dahil hindi lang husay sa drama ang kanyang ipinapakita, pati husay sa comedy. Ang bilis mag-change ng emotions ni Barbie kapag kailangan sa eksena.

Anyway, malapit nang malaman ni Caitlyn (Kate Valdez) na ang best friend niyang si Ginalyn (Barbie) ang babaing ipinalit sa kanya ng ex-BF niyang si Cocoy (Migo Adecer). Mag-aaway na ang mag-best friend dahil sa lalake gaya sa nangyari sa kanilang mga nanay.

-Nitz Miralles