NAITALA ni Cris Padilla ng Adamson University ang kasaysayan bilang kauna-unahang UAAP High School Girls’ Basketball MVP.

Isinagawang ang pagbibigay ng parangal sa individual players bago isinagawa ang Game 2 ng AAP Season 82 championship sa pagitang ng Adamson at University of Santo Tomas nitong Lunes sa Filoil Flying V Centre.

Naitala ng 19-anyos na si Padilla ng Pagadian City, ang averaged 24.17 points, 5.67 assists, 4.17 rebounds, at 3.83 steals para sa kabuuang 86.0 statistical points (SP).

Sa huling laro ng elimination round nitong February 29, hataw si Padilla sa naiskor na 57 puntos laban sa Ateneo High School para makumpleto ng Adamson ang elimination round sweep.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Kasama ni Padilla ang kasangga na sina Lady Baby Falcons Joan Camagong at Kat Agojo sa Mythical Team na kinabibilangan din nina UST’s Erika Danganan (74.33 SPs) at Brigette Santos (66.17).