NAKA-CHAT namin si Rosanna Roces at masaya niyang ibinalita na ibinalik na siya sa teleseryeng Pamilya Ko na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Joey Marquez at JM de Guzman. Si Osang ang tunay na ina ni Chico (JM).

Rosanna

Sa umeereng kuwento ngayon ng Pamilya Ko ay galit si Ibyang kina Joey (Fernan) at Osang (Elena) dahil magkasabwat daw ang dalawa ng tanggapin ang alok na 5 milyon ni Loida (Irma Adlawan) para mapa-opera si Chico.

A y o n k a y L u z , “nagsasabwatan kayong dalawa!” ito ang sabi niya kya Elena.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Pag nasa bingit ng kamatayan ang anak mo, maiisip mo ba ‘yan?” ito naman ang pasigaw na sagot ni Elena.

Hirit ni Luz kay Elena, “ikaw ang nagluwal pero ako ang mas higit na nakakakilala kay Chico.”

Sobrang intense ang mga eksena ng Pamilya Ko nitong nakaraang linggo pero kapag off-cam ay nagpo-post na si Osang sa kanyang IG account ng mga litratong saya-sayahan sila at kinunan pang sumasayaw si JM kasama si Kira Balinger (Lemon).

Pinansin namin na ang ganda ng aura ngayon ni Osang dahil ang saya-saya niya.

“Oo matino na ang pag-iisip ko di gaya dati. Tahimik na at maayos ako ngayon Reggee, sana manatili na lang ganito na okay ako. Masaya na ako sa nakakain kong gusto ko at napupuntahan ang iba’t ibang lugar kasama si Boy George (tawag niya sa partner niya),” kuwento ng aktres.

Nagda-diet ngayon si Rosanna dahil tumaas ang sugar niya kaya talagang bantay sarado ang mga kinakain niya ngayon ng kanyang mahal sa buhay.

“Okay naman na sugar ko now, 138 na lang nu’ng last check up ko. Change lifestyle agad, Mabilis na ako matakot. Ikaw, ang health mo alagaan mo rin, enjoy life,” sabi sa amin.

Pinost din ng aktres ang video na magandang samahan nila sa Pamilya Ko na sabay-sabay silang kumain na akala mo laging may handaan.

Ang caption, “thank you sa masaganang pananghalian Mabunga Family.” At naka-tag ang pangalan ni Ibyang na mukhang siya ang nagluto?

Isa pang ikinasisiya ni Osang sa buhay ay ang kanyang tatlong apo, sina Leone kay Onyok, sina Gab at si Maha.

Si Gab ang unang apo ni Osang sa panganay niyang si Grace Adriano kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla at si Maha ang bunsong anak sa non-showbiz.

Masayang ipinakita nito ang quiz result ni Mahan a pawang 100 at 99% ang grado at pinaka-mababa ang 96%. Binati namin na matatalino ang mga apo niya dahil pati si Gab ay nage-excel din sa eskuwelahan nito pati na si Leone.

“Ako ang nagpapaaral kay Maha, lahat ng failure namin ni Grace, bawi sa kanya. Nasa grade 5 na siya. Kamukha ni Grace, ‘di ba?” masayang sabi ng aktres.

Sa isang private school sa Cainta, Rizal nag-aaral si Maha at Korean daw ang nagpapatakbo nito. At planong ilipat ni Osang ang apo sa Assumption Antipolo pagdating ng high school.

Gusto raw niyang exclusive school pag-aralin si Maha, “ayaw ko sa may mga lalaki, ha, ha.”

Magandang bata kasi si Maha at at takot si Osang na baka ligawan kaagad.

Wala naman siyang masabi kay Gab dahil sobrang alaga siya ng tatay niyang si Jolo at mga lolo at lola na sina Senator Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado.

Si Leone naman ay sa College of San Benildo, Rizal nag-aaral at may kaya ang nanay nito na may-ari ng kilalang brand ng sapatos sa Marikina at si Onyok ay sa call center naman nagwo-work.

At natawa kami sa post din nitong puro minions stuff toy na ang caption ay, “laruan ng lola.”

Mukhang ito ang napagti-tripang kolektahin ng aktres dahil tanda namin noong kasikatan niya ay marami rin siyang mga bagay na kinukulekta at isa na roon ang mga mamahaling paintings na gawa ng mga kilalang national artist.

Kapag walang trabaho ay walang ginawa si Osang kasama ang partner niyang si Blessy kundi mag-malling, manood ng sine at kumain kung saan-saang restaurant.

-REGGEE BONOAN