TINULDUKAN ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas ang nalalabing p a g - a s a n g T e a m Philippines na makabawi sa laban nang pabagsakin si Jeson Patrombon, 6-2, 6-1, nitong Sabafo sa reversed singles ng World Group II Davis Cup tie sa Philippine Columbian Association’s Plaza Dilao courts sa Paco, Manila.
Mistulang nagsagawa ng tennis clinics ang six-time APT champion sa kabuuan ng laro at hindi binigyan ng pagkakataon si Patrombon na makahirit ng sudden death at angkinin ng Greece ang tie sa 3-1 bentahe.
Target ng nakababatang kapatid ni Tsitsipas na si Petros na hilahin ang tries a dominanteng kampanya sa pakikipagtuos kay Jed Olivarez sa huling reversed singles.
“ W e ’ r e l o o k i n g forward to playing our next opponents,” pahayag ni Tsitsipas, runner-up kay World No.1 Novak Djokovic sa Dubai Championship sa nakalipas na linggo.
Sa doubles match-up, nakasingit ang tambalan nina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban sa tambalan nina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis, 7-6 (5), 6-4.
Ngunit, ang naumang pag-asa na nadarama ng sambayan mula sa naturanbg panalo ay tuluyang ibinaon ni Tistsipas sa kanyang tie-clinching win.
Sa kabila nito, randam ng Pinoy Cupper ang kasiyahan ng sambayanan.
“The atmosphere was electric, the crowd gave us the energy we need to get this win,” pahayag ni Gonzales matapos ang double event.
Naglaro sina Alcantara at Gonzales, orihinal na katambal ang Fil-Am na si Treat Huey, sa unang pagkakataon bilang doubles partner.
“We were trailing in the second set but the crowd willed us to fight back,” sambit ni Alcantara, nagwagi ng gintong medalya kasama si Patrombon sa double event ng 30th Southeast Asian Games nitong Disyembre.