“BESTFRIEND lang hindi naman jowa,” ito ang tsika sa amin ng taong malapit sa personalidad na sinasabing ex-girlfriend ng kilalang singer.

Dagdag pa, “paano niya magiging jowa, e, hindi naman nanliligaw? Saka friends lang sila, lumalabas pero may mga kasama at saka friendly date nga talaga kasi wala namang sinasabi si (kilalang singer), ano ba?

Binanggit namin sa taong malapit sa personalidad na kung hindi niya naging girlfriend, bakit niya ipapangalandakan? Iba na kasi ang mga kabataan ngayon wala na ‘yung pormal na ligawan, kapag nag-click at nagkasundo kayo sa lahat ng bagay, ibig sabihin KAYO NA. Siguro ganu’n ang nangyari sa kilalang singer at sa personalidad.

“Hindi nga kasi tinanong ko rin si (personalidad), hindi raw at walang sinasabi, wala nga ring sinasabing I love You eh. Saka si (personalidad), kaibigan din ang turing niya kay (kilalang singer),” diin pa sa amin.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Sabi pa, “ganito na lang, kapag nakausap mo siya (kilalang singer) hamunin mo, ask mo sino ‘yung naging girlfriends niya at kapag hindi niya mabanggit, knowmo na. Or kahit i-sekreto na lang, huwag mong isulat bulong mo na lang sa akin.”

Ang ki l a l ang s inge r a y nagsabing hindi lang isa ang nakarelasyon niya kundi marami kaya ang hamon ng taong malapit sa personalidad na nakasama ng mang-aawit ng tatlong beses sa lakaran ay banggitin nito ang pangalan para magka-alamanan na.

Anyway, ang personalidad na nakasama ng kilalang singer ng tatlong beses sa lakaran ay may permiso ang magulang na lumabas sila pero inamin ng dalaga na hindi niya type ang singer dahil kaibigan lang talaga ang turing niya.

-Reggee Bonoan