SA Sabado na, March 14 ang kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Labhati. Pero bago ang wedding, sinamantala na ng engaged couple ang mga preparations, tulad ng prenuptial shoot nila.

Sarah at Richard

Kung iyong iba pumupunta sa abroad para sa prenuptial shoot nila, pinili ng ikakasal na gawin ito sa El Nido, Palawan at ang shoot ay ginawa sa ilalim ng dagat. No problem naman sa dalawa ang ganoong shoot dahil pareho silang mahilig sa dagat. Ang ikinaiba nga lamang tiniis nila ang kagat ng maliliit na jelly fish para magawa ang gusto nilang shoot.

Sikreto ang detalye ng invitations at ang mga nakatanggap lamang nito ang nakakaalam kung saan gagawin ang kasal at ang reception. Kaya kung gusto ninyong masaksihan ang napakalaking kasalan, kailangan lamang sumagot kayo kung confirmed ang inyong pagdalo.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Our best wishes and congratulations to Richard and Sarah!

-Nora V. Calderon