Sa umeereng kuwento ngayon ng Make it with You ay posibleng magkabalikan sina Gabo (Enrique Gil) at Billy (Liza Soberano) dahil hiwalay na ang binata kay Rio (Katarina Rodriguez) na umaming may ibang lalaki sa buhay niya.

LIZA

Sumakto naman na dumating na si Yuta (Fumiya Sankai) na malapit kay Gabo kaya naman nu’ng nagkita sila ay sumaya ulit ang binata lalo’t kumpleto na ang Team Croatia.

Mas problemado si Gabo dahil hindi na-aprubahan ang accreditation ng Tinapay Corner dahil nakaalitan ng tatay niyang si Ted Villarica (Ian Veneracion) si Mr. Young (Richard Quan) ang taong may kinalaman dito. Pero positive thinker si Billy at sinabi niya sa binata na maayos din nila iyon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Nakabalik na sa bansa si Fumiya pagkatapos ng operasyon niya sa lungs na ginawa sa Japan.

Pinalabas kasing kuwento sa Make it with You ay naiwan siya sa Croatia dahil inaasikaso ang kanyang working permit para magtrabaho roon dahil bumalik na sa Pilipinas sina Enrque, Katya Santos at Liza.

Kaya naman nagpapasalamat si Fumiya sa lahat ng nag-aalala sa kanya nu’ng nalamang inoperahan siya at ngayon ay back to work na siya.

Kasama si Fumiya sa pelikulang Mang Kepweng 2: Lihim ng Bandanang Itim at dahil maraming eksena na dapat kasama siya ay nagawan ng paraan na lang.

Samantala, sa nangyaring pamamaril kay Kim Chiu nitong Miyerkules ay napaisip na ang manager ni Liza na si Ogie Diaz na kukunan na rin ng security detail ang dalaga bilang pag-iingat lalo na kapag nasa trabaho sila.

-REGGEE BONOAN