PAGKILALA at pagbibigay parangal ang siyang isasakatuparan ngayong araw na ito ng grupo ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa pag-usad ng SMC- PSA Annual Awards Night na gaganapin sa Centennial Hall NG Manila Hotel.
Tampok upang tumanggap ng major award na Athletes of the Year ang Team Philippines bilang pagkilala sa kanilang karangalan na ibinigay sa bansa noong 30th Southeast Asian Games (SEA) sa pagkopo ng overall championship.
Kasama din sa pararangalan ang mga dangal NG bayan na sina world champion at double gold winner na si Carlos Yulo, gayundin si women’s world boxing champion Nesthy Petecio, at Olympic silver medalist Hidilyn Diaz upang pangunahan ang buong koponan ng bansa.
Nasa listahan din ang mga kilalang sports officials sa pangunguna ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, International Olympic Committee (IOC) representative to the country na si Mikee Cojuangco Jaworski, at Deputy House Speaker at NorthPort team owner Mikee Romero.
Kasama din sina Efren ‘Bata’ Reyes, na bahagindin ng Team Philippines na magbibigay din ng kanyang mensahe bilang special guest speaker sa nasabing Gabi ng parangal na inorganisa ng PSA sa pamumuno ng presidents nito na si Tito S. Talao, ang sports editor ng Manila Bulletin.
Nakakuha ng kabuuang 149 golds, 117 silvers, at 121 bronze ang Team Philippines sa nakaraang biennial meet.
Nakahanay din ang ilang citations na ipagkakaloob sa programing magsimula ganap na alas-7 ng gabi na suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.
Panauhin din sina Sev Sarmenta at Rizza Diaz, bilang mga hosts Kung saan dadalo din si House Speaker Allan Peter Cayetano, na siyang chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc).
Si Yulo, ay tatanggap ng President’s Award sa kanyang pagkopo ng puwesto sa Tokyo Olympics matapos na maging unang Pinoy male gymnast buhat sa Southeast Asia na nagwagi ng ginto sa World Artistic Gymnastics Championships.
Si Chairman Ramirez naman ay tatanggap ng Executive of the Year sa kanyang ipinakitang galing bilang Chef De Mission ng Team Philippines sa SEA Games.
Ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa pangunguna ng presidents na si Ricky Vargas, ang tatanggapn ng National Sports Association (NSA) of the Year habang special awards namn NG ipagkakaloob kina Thirdy Ravena at Jack Danielle Animam bilang Mr. at Ms. Basketball, sina Bryan Bagunas at Sisi Rondina bilang Mr. at Ms. Volleyball , Bianca Pagdanganan bilang Ms. Golf, Stephan Schrock na Mr. Football at ang kauna unahang Coach of the Year award na mapupunta kay multi-titled women’s coach na si Patrick Aquino.
Kabilang din sa mga paralan ang MILO Junior Athlete of the Year para kina Alex Eala, Daniela Dela Pisa, Miguel Barreto, at Daniel Quizon, habang ang Philippine men’s 3x3 basketball team naman ay tatanggap ng Chooks-To-Go Fan Favorite award.
Sina Diaz at Petecio kasama si Tokyo Olympic qualifier at Asian Athletics Championships gold winner Ernest John Obiena, ay tatanggap NG major award kasama ang world boxing champions na sina Jerwin Ancajas at Johnriel Casimero, ang five-time PBA MVP June Mar Fajardo, five-time Philippine Cup champ San Miguel Beer, ang UAAP women’s basketball title holder na NU Bulldogs, mga golfers na sina Juvic Pagunsan, Princess Superal, at Aidric Chan, at ang Horse of the Year na mapupunta sa Union Bell.
Ang mga batang swimmers na sina Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryant Dula kasama ni Eala at anim na iba para sa Tony Siddayao awards.
Kasama ding bibigyang pagkilala ang mga yumaong atleta at mga sports officials at mga personalidad na nging bahagi din ng PSA.
-Annie Abad