SISIMULAN ng Ateneo ang title-retention bid sa pakikipagtuos sa University of the Philippines ngayon sa UAAP Season 82 Men’s Football Tournament sa Rizal Memorial Stadium.
Haharapin ng Blue Eagles ang Fighting Maroons ganap na 4:00 ng hapon.
Sa kabila ng pagkawala nina star player Jarvey Gayoso, Julian Roxas, Rupert Baña at Jeremiah Rocha, kumpiyansa ang Ateneo na mapapanatili ang dominasyon sa liga.
Magtutuos naman ang last season’s runner-up De La Salle at Far Eastern University ganap na 1:30 ng hapon.
Hindi lalaro si King Miyagi, ngunit handa ang UP sa pamamagitan nina Dan Saavedra, Miggy Clarino, Christian Lapaz, Orlan Togores, last year’s high school MVP Macky Tobias, at goalkeeper Harrel Dayan.
Pambato rin Ateneo sina Luke Alleje, Iñigo Herrera, Colin Mercado, William Grierson at Richard Fuentes.
Mapapanood din sa opening day ang laro ng University of Santo Tomas at National University ganap na 8 ng umaga, habang ang Adamson University at University of the East ay magkakasubukan ganap na 6:30 ng gabi.
-Marivic Awitan