SA kabila ng busy schedule ni Tom Rodriguez sa taping ng primetime drama series niyang Love of my Life, may time pa rin siyang makagawa ng isang educational channel online. Ginawa ito ni Tom para makapagbigay siya ng information tungkol sa iba’t ibang subjects para sa mga kabataan.

Tom

“Ipo-post ko rito ang mga enlightening videos about history, science, mathematics and other subjects na magpapalawak sa kanilang kaisipan,” sabi ni Tom. “Napapansin ko kasi na ngayon ang internet ay flooded ng mga useless videos na hindi nakakatulong sa ating youth, lalo na at madalas na naghahanap sila sa internet ng sagot nila sa mga assignments nila sa school.”

Tungkol sa kanilang “Love of my Life” ng girlfriend na si Carla Abellana, na gumaganap silang mag-asawa, alam na ba niya kung mai-extend pa ang character niya bilang si Stefano, na may stage four pancreatic cancer, at hindi na magtatagal ang buhay sa serye na dinidirek ni Mark dela Cruz?

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Hindi ko pa po talaga alam kung magagawan ng mga writers na ma-extend pa ang character ni Stefano. Kaya po thankful ako, kami sa cast, dahil may request nga raw ang mga tagasubaybay kung puwedeng hindi na mamatay si Stefano.”

Noong ilang gabi nang eksena, parang pinaghahandaan na ni Stefano ang pamamaalam niya kaya naaawa siya sa Mama niya played by Coney Reyes, na hindi matanggap na mawawala na ang mahal niyang anak. Si Stefano naman tanggap na niyang mawawala na siya kaya gusto niyang maayos ang iiwanan niyang pamilya, ang asawang si Adelle, ang ex-girlfriend na si Kelly (Rhian Ramos) na madalas panggalingan ng gulo dahil lagi siyang kontra, at ang matanggap na ng inang si Isabella ang younger brother niyang si Nikolai (Mikael Daez) na siya raw dahilan ng pagkamatay ng kanilang ama.

Napapanood na ang “Love of my Life” gabi-gabi pagkatapos ng Anak ni Waray VS. Anak ni Biday.

-NORA V. CALDERON