ANG daming nalaman ng mga nakapanood ng guesting ng body guard na si Jerry Tamara sa Raffy Tulfo in Action show ni Raffy Tulfo. Hindi nga lang kagandahan para kay Matteo dahil pinalabas nitong mainitin ang ulo ni Matteo Guidicelli dahil sa mga sinabi sa kanya at sa parents ni Sarah Geronimo.

Matteo

Sabi raw ni Matteo, “baliw” si Mommy Divine (mom ni Sarah) at nag-dialogue pa na “magsuntukan na lang kami” na ang tinutukoy ay ang ama ni Sarah na si Delfin Geronimo. Apat na beses daw nitong sinabi ‘yun sa harap ni Jerry na bilang na bilang ang mga sinabi ng galit na si Matteo.

Sinabihan din daw siya (si Jerry) ng “wag kang makialam asawa ko ‘to” na ang tinutukoy naman ni Matteo ay si Sarah at dahil ‘yun sa pinigilan ni Jerry na sumama si Sarah kay Matteo.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kasunod doon, sinuntok na siya ni Matteo sa leeg at ni-lock pa raw siya ng mga kasama ni Matteo na mga member daw ng Philippine Army. Ikinuwento rin ni Jerry na gustong itakas nina Matteo si Sarah at sa exit dadaan.

Sa guesting din ‘yun ni Jerry, nilinaw na sa Victory The Fort (kung saan nagwu-worship si Sarah) ikinasal sina Matteo at Sarah at sa Shangri-La The Fort lang nag-dinner. Ipina-lock down daw nina Matteo at Sarah ang second floor ng Victory habang ginaganap ang civil wedding ceremony ng mga bagong kasal.

Sa napanood namin, hindi nabanggit ni Jerry kay Raffy kung idedemanda niya si Matteo. Kaya ang tanong ng mga nakapanood sa guesting, ano ang dahilan nang pagpunta ni Jerry kay Raffy? May nag-comment tuloy na gusto lang nitong sumikat.

-NITZ MIRALLES