NAKITA namin ang litratong nina Matteo Guidicelli at asawang Sarah Geronimo-Guidicelli kasama ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na pinost ni Noel Ferrer. Bago ang litrato at pagkatapos na ng kasal ng dalawa dahil sa caption ni Noel na “AT NAGKITA RIN ANG MAGKAKAIBIGAN, MAGKAKAPATID, MAGKAKAPAMILYA! #FamilyLove.”

Sarah G. at Matteo

Masaya ang comments na nababasa namin at talagang pabor ang majority sa relasyon nina Matteo at Sarah. Patuloy ang pagko-congratulate sa bagong mag-asawa at pinayuhan sila to be happy always.

May nabasa kaming after the wedding, nag-honeymoon sina Matteo at Sarah sa isa raw wellness place sa may Batangas. Tama kaya kami na sa The Farm sa San Benito, Lipa nag-honeymoon ang mga bagong kasal?

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

-NITZ MIRALLES