PAGKILALA sa isang boxing world champion at Olympic silver medalist ang dalawa sa mga malalaking parangal na siyang matutunghayan sa nalalapit na pagtatanghal ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night na gaganapin ngayong Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Dalawa sa mga makakatanggap ng major awards ay sina World Boxing cahmp na si Nesthy Petecio at ang 2016 Rio Olympics silver medalist na si Hidilyn Diaz.

Binigyang karangalan ng dalawang mahusay na atletang ito ang bansa matapos na magwagi sa mga international competitions na kani-kanilang sinalihan kamakailan.

Ang 27-anyos na si Petecio, ay nagwagi ng gintongmedalya buhat sa AIBA Women’s World Boxing Championships na ginanap sa Ulan-Ude, Russia, habang ang 29-anyos na si Diaz naman ay nag-uwi ng silver sa Asian Championships at dalawang bronze sa World Weightlifting Championships.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Bahagi din ang dalawang atleta ng Team Philippines na siyang tatanghaling Athlete of the Year para sa matagumpay na kampnay ng Pilipinas sa nakaraang Southeast Asian Games para sa overall championship.

Tatanggap din ng parangal ang pambato ng bansa na unang Tokyo Olympics qualifier, ang pole vaulter na si Ernest John Obiena matapos itong magwagi sa qualifying meet sa Chiara, Italy, bukod pa sa mga gintong medalyang kanayng naiuwi buhat sa Asian Athletics Championship at Summer Universiade.

Kasama din sa listahan ng aakyat sa entablado upang tumanggap ng parangal ay ang dalawang world boxing champions, ang kasalukuyang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight title holder na si Jerwin Ancajas at ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight king na si Johnriel Casimero.

Ang undefeated at sixth-time na UAAP women’s champion na National University kasama ang five-time PBA Philippine Cup winner na San Miguel Beermen, at ang five-time MVP na si June Mar Fajardo ay kasama din sa mga major awards sa nasabing gabi ng parangal.

Kasama di sa mga major awardees ang mga golfers na sina Juvic Pagunsan, Aidric Chan, at Princess Superal, habang pinaglanan naman bilang Horse of the Year ang kabayo na si Union Bell.

Mayroon ding makakatanggap ng mga special citation na gaya ng MILO Junior Athletes of the Year,, ang taunang award na Tony Siddayao awardees, at ang Chooks-To-Go Fan Favorite Award.

Ang nasabing event ay ihahatid ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, Rain or Shine, at ng Air Asia.

-Annie Abad