YES, yes, yo kabayong kutsero! Talbog ang pelikulang Lovers In Paris, sa true lang.

Derek at Andrea

Lovers in Japan ang peg ngayon ng Kapuso couple in real life na sina Derek Ramsay at Andrea Torres na nagsimula ang love relationship nang gawin nila ang teleseryeng Better Woman sa Kapuso Network last year.

Sa Land of the Rising Sun sila nag-celebrate ng Valentine’s Day 2020 kasama ang kani-kanilang pamilya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Base sa kanilang photos na nagkalat ngayon online, binisita ng grupo ang iba’t ibang tourist spots sa Osaka at siyempre hindi nila pinalampas na tikman ang masasarap na pagkain sa lugar.

Samantala, balik-tambalan sina Derek at Andrea sa upcoming show ng GMA na Sangggang Dikit.

Well, bagay naman sila in reel and in real life in pernes, noh! Macho guwapito si Derek at sexy gandara naman si Andrea. Oh, saan ka pa?

Inaabangan na ngayon ng kanilang fans ang magiging istorya ng serye na pagbibidahan ng kanilang favorite couple.

-MERCY LEJARDE