MAY nag-post ng photo nina Alden Richards at Sanya Lopez na magkayakap ang dalawa habang nasa rehearsal yata ng All-Out Sundays.Nakatalikod ang dalawa, pero makikilala pa rin na sina Alden at Sanya ang nasa litrato.

Sanya-Alden

Si Alden, nakaakbay kay Sanya na may kasamang yakap at si Sanya, nakayakap kay Alden at ang mukha, nasa dibdib ng aktor.

May mga kinilig sa kumalat na photo at pabor sila, sakaling magkaroon ng relasyon sina Alden at Sanya. May mga kontra rin sakaling totoo ngang sina Alden at Sanya na at may mga ibinigay silang rason kung bakit ayaw nila kay Sanya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaya lang, kahit ayaw ng ibang fans ni Alden kay Sanya, may magagawa ba sila kung mahal ni Alden si Sanya? Saka, 28 years old na si Alden, hayaan nating magka-girlfriend na siya, let him decide for himself and hayaan natin siyang maging masaya.

Samantala, matutuwa nito si Alden dahil maganda ang feedback ng viewers sa pilot episode ng Centerstage na kanyang hino-host. Naging kuya raw siya sa mga batang contestants at kita ang concern sa mga batang hindi napili.

Of course, napapanood pa rin si Alden sa All-Out Sundays at isa siya sa performers na kung saan, sing and dance at nagho-host din siya.

-Nitz Miralles