NAG-STORY conference na ang teleseryeng pagsasamahan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera sa GMA-7 na may title na First Yaya. Naka-post sa Instagram (IG) nina Gabby at Marian ang photos sa storycon na sabi ni Gabby, first storycon, ibig sabihin, may susunod pang storycon.

Cast ng 'First Yaya'

Sa photos na nakita namin sa storycon, nakita namin si director L.A Madridejos na director ng teleserye at bukod kina Gabby at Marian, kasama rin sina Sandy Andolong, Glenda Garcia, Pancho Magno, Kelvin Miranda, Baste, Cassy Legaspi at Pilar Pilapil. Hindi namin kilala ang child actress na gaganap na isa sa mga anak ni Gabby.

Wala pang sinasabing date ng airing ng First Yaya at bago mag-airing, kailangang mag-taping muna. Ang natatandaan naming nabanggit ni Dingdong Dantes, tatapusin muna niya ang taping ng Descendants of the Sun bago magsimulang mag-taping si Marian para hindi sila sabay na wala sa bahay.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ayaw kasi nina Dingdong at Marian na pareho silang wala sa bahay at kailangang may isa sa kanilang nasa bahay para alagaan ang mga anak na sina Zia t Ziggy

-Nitz Miralles