TRENDING sa Facebook page ng Jets 247 ang litrato ni Pasig Mayor Vico Sotto na nasa gitna ng ikinasal dahil nakahawak sa kanya ang bride na may caption, “Congratulations, bride at Mayor Vico.”

vico n bride

Umabot sa 3.2K ang komento, 32K likes sa maikling oras simula ng i-post ito sa fb.

At ang nakakatawa ay naka-crop ang litrato nina Mayor Vico at bride na silang dalawa na lang sa mga komento at solong litrato naman ng groom na may caption na, “kalma ka lang, si mayor ‘yan!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Walang binanggit ang nag-post kung isa si mayor Vico sa ninong kaya may kuha sila ng ikinasal.

Ang gagaling talaga ng mga Pinoy gumawa ng istorya dahil agaw-pansin na naman si Mayor Vico rito at nakatitiyak kami na may reaksyon siya nito, abangan na lang natin.

Anyway, Tapos na naman ang Araw ng mga Puso at nanatiling single ang magiting na mayor na masyadong abala sa obligasyon niya bilang Ama ng Pasig.

-Reggee Bonoan