NAG-SET ng get-together dinner ang kilalang aktres sa mga artistang nakasama niya sa isang project dahil nami-miss na niya sila at para may updates na rin sa bawa’t isa at siya ang sagot sa gastos

Excited ang lahat ng tinawagan dahil magkikita-kita silang lahat dahil ilang taon na rin silang walang tsikahan dahil naging maganda ang samahan nila noong ginagawa nila ang project na kumita naman.

Alas siyete ang dinner at habang umaandar ang oras ay nakarami na ng orders ang lahat na ginanap sa isang mamahaling restaurant, bandang 9PM ay saka lang nagpasabi ang kilalang aktres na hindi siya makakarating dahil may emergency.

Nagkagulatan ngayon ang mga inimbita kung sino ang magbabayad ng kinain nila na alam naman nilang malaki ang inabot ng bill.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Walang gustong bumunot dahil nga pawang hindi nagdala ng pera ang lahat kasi nga ang usapan sagot ng kilalang aktres ang gastos.

Nagmagandang loob ang aktor na kasama sa project kaya laking pasalamat ng lahat dahil dumating siya dahil kung hindi nakakahiya sila.

Ang lesson na natutunan ng grupo, “lahat magdala ng pera kahit pa sinabing may sasagot ng gastos.”

-Reggee Bonoan