PORMAL nang magbabalik para sa kanyang second tour of duty para sa SMC-Alab Pilipinas sa Asean Basketball League si Justin Brownlee. 

Kinumpirma ito mismo ni Alab team owner Charlie Dy.

Papalitan ng dating PBA Best Import para sa Barangay Ginebra Kings si Prince Williams na nakaanim na laro sa Alab matapos palitan ang nauna sa kanyang si Khalif Wyatt.

Inaasahang mahihigitan ni Brownlee ang naitalang averagevni Williams na 9.7 puntos, 4.3 rebounds, at 3.3 assists.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Nauna ng naglaro si Brownlee para sa Alab noong 2017-18 season ng ABL kung saan nakatuwang nito si Balkman upang ibigay sa koponan ang kampeonato.

Nagtala noon sa kanyang unang Alab stint ang 6-foot-5 Brownlee ng average na 21.9 puntos, 10.3 rebounds, at 6.3 assists.

Ngayon, makakatuwang naman ni Brownlee sina Sam Deguara at Nick King bilang mga foreign reinforcements.

Sa Miyerkules na Pebrero 19 ang magiging unang laro ni Brownlee sa MABA Stadium kontra Malaysia.

Inaasahang pasisiglahin ng pagbalik ni Brownlee ang kampanya ng Alab na kasalukuyang may hawak na markang 9-5 sa standings.

-Marivic Awitan