Siguro naman alam o kaya’y nagpaalam sa Viva Artists Agency ang ABS-CBNnang kunin nila si Nadine Lustre para isama sa bagong teleserye ng network na pinamagatang Burado. Kasama rin sa cast sina Julia Montes, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

IMG_2074

Nag-storycon na ang Burado at ipinakilala ang iba pang cast na kinabibilangan nina Lotlot de Leon, Matet, Raymond Bagatsing, Joko Diaz, Ina Raymundo, Carmi Martin at iba pa. Kukunan ang teleserye sa Philippines, Thailand, Cambodia at India.

Kaya masasabing pareho nang nasa ABS-CBNsina Nadine at ex niyang si James Reid na ang ginagawa namang teleserye ay Korean singer/actress na si Nancy McDonie ng Momoland ang kapareha.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Speaking of Nadine, wala pa itong reaction sa offer na Mustang ng controversial na si Xian Gaza.

Red Mustang ang offer ni Xia kay Nadine na sa post nito sa FB ay kanyang pinaligiran ng flowers, kaya ang caption niya sa photo ay “Bouquet of Mustang.” May nakasulat pang “Happy Valentine’s Nadine Lustre from Xian Gaza.”

Sa FB post ni Xian, sabi nito, sa 14.3M na kinita niya for the last five weeks, ang 2M ay ibinili niya ng “Boquet of Mustang para kay Nadine. Parang hindi nabanggit ni Xian kung paano niya ibibigay kay Nadine ang Mustang dahil ang alam namin, wala siya sa Pilipinas, nasa China yata siya at doon nagpapayaman.

Controversial itong si Xian na nagkaisyu kay Erich Gonzales dati nang idaan sa billboard ang pag-iimbita niya sa aktres na magkape sila. Ngayon naman, si Nadine ang pinagtripan, lagot siya kay James.

-Nitz Miralles