ANDREWS, Scotland — Pansamantalang kinansela ang Women’s Asia-Pacific Amateur na gaganapin sana sa Thailand ngayong linggo, sanhi ng lumaganap na novel corona virus o nCoV.

Tatlong golf event na sa kasalukuyan ang kinansela sanhi ng nasabing virus na kung saan ay may kabuuang 34,800 katao na ang apektado sa buong mundo at kumitil na ng 700 buhay.

Una dito ay kinansela ng LPGA Tour ang Blue Bay LPGA na nakatakda sana sa unang linggo ng Marso sa Hainan Island, China.

Ang PGA Tour China Series ay iniurong ang kanilang qualifier sa huling linggo ng Pebrero buhat sa China patungo sa Singapore.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Women’s Asia-Pacific Amateur, na inorganisa ng R&A at ng Asia-Pacific Golf Confederation, ay dapat na lalalruin sa susunod na linggo sa Siam Country Club kung hindi na lalahok sa Women’s British Open, sa Evian Championship at sa Augusta National Women’s Amateur.

“The decision has been taken amid serious concerns for the safety of players and officials traveling during the current coronavirus outbreak. Our utmost priority is to ensure their safety, and the advice we have received in the last 24 hours is that we should not ask them to travel at this time,” pahayag ni R&A chief Martin Slumbers.

Nangako naman si Slumbers na mismong ang R&A ang mag-aasikaso sa mga manlalaro sa kanilang mga travel arrangements at umaasa na matuloy ang nasabing event sa susunod na taon. AP