MULING binigyang-diin ni World Health Organization (WHO) Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang kahalagahan ng “facts over fear” hinggil sa novel coronavirus (2019-nCoV) outbreak sa China na patuloy na nakaaapekto sa 24 bansa sa mundo.

“People must have access to accurate information to protect themselves and others. While the virus spreads, misinformation makes the job of our heroic health workers even harder. It is diverting the attention of decision makers and it causes confusion and spreads fear to the general public,” pahayag ni Ghebreyesus sa isang press briefing sa WHO headquarters sa Geneva, Switzerland.

Bukod sa pagpapatupad ng mga estratehiya upang malabanan ang virus, sinabi ni Ghebreyesus na nakikipaglaban din ngayon ang WHO sa mga trolls at conspiracy theorists na nagsusulong ng mga maling impormasyon na nakaaapekto sa pagtugon sa krisis.

“As a Guardian headline noted today, “Misinformation on the coronavirus might be the most contagious thing about it,”dagdag pa nito.

Upang masiguro ang tamang impormasyon hinggil sa isyu na kumakalat sa mundo, sinabi ni Ghebreyesus na gumagamit ang WHO ng isang four-pronged approach upang malabanan ang misinformation.

“First, we’re leveraging our existing network called EPI-WIN -- which stands for WHO Information Network for Epidemics. The WHO’s risk communications and ‘infodemic’ management team actively track misinformation in multiple languages,” paliwanag niya.

Nabanggit din niya na nagtutulungan na ang WHO’s infodemics team and communications department upang maipamahagi ang tamang impormasyon sa publiko kabilang ang paglalabas ng mga “myth busters” at Live Q&A (question and answer) interview kasama ng mga eksperto sa website ng WHO at sa mga social channel nito maging sa social media.

“Third, we are also engaging with search, social and digital companies such as Facebook, Google, Tencent, Baidu, Twitter, TikTok, Weibo, Pinterest and others. We are asking them to filter out false information and promote accurate information from credible sources like WHO, CDC and others. And we thank them for their efforts so far,” saad pa ng opisyal.

Para sa pagtutok sa Asia-Pacific region, ibinahagi ni Ghebreyesus ang pakikipagtulungan nila sa mga influencers sa Instagram at YouTube upang maihatid ang tamang mensahe sa kanilang mga followers.

PNA