TALAGA nga namang jack of all trades ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil bukod sa ipinamalas nitong galing sa pag-arte sa The Gift ay masusubukan naman ang galing n’ya sa hosting at pakikipagkulitan sa mga bagets sa newest musical game show na pinamagatang Centerstage.

Alden

Ayon kay Alden sa katatapos lang na presscon ng naturang show, excited daw s’ya na ma-inspire at ma-motivate ang mga bata na abutin ang kanilang mga pangarap ganon na rin ang pagiging kuya n’ya sa mga ito.

Samantala, hindi lang sa acting at hosting may ibubuga si Alden dahil maging sa larangan ng music industry ay hindi rin ito papatalo dahil nag-chart lang naman ang tatlo n’yang kanta na Wish I May, Say It Again, and Until I See You Again sa iTunes Philippines ngayong Linggo.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Mapapanood na every Sundays ang Centerstage simula ngayong February 16 sa GMA7.

-Mercy Lejarde