Pumayag ang pamunuan ng Memphis Grizzlies na ibigay ang kanilang wingman na si Andre Iguodala sa koponan ng Miami Heat.

Iguodala

Iguodala

Ayon sa isang reliable source sa loob ng NBA na nakausap ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, na pumayag mismo si Iguodala na malipat siya sa nasabing koponan sa kontratang nagkakahalaga ng $30 million sa loob ng dalawang taon.

Kasama sa deal si Justise Winslow na mapupunta naman sa Memphis, ayon pa sa nasabing source..

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isang beses lamang nakapaglaro si Iguodala ngayong season sanhi ng mga injury nito.

Ang nasabing forward na dating player ng Golden State Warriors ay may average na 11points kada laro, 6.6 rebounds at kabilang sa defensive team ng dati niyang koponan.

Ang 36-anyos na si Iguodala ay hindi nakalaro sa Grizzlies ngunit naiulat na bago ito nailipat sa nasabing koponan isang tumataginting na $17.2 million ang kanyang kinita sa huling taon sa GSW.

Kinailangan na mai-trade noon so Iguodala upang makuha naman ng Golden State ang 2024 first round pick at si D’Angelo Russell.

AP