TINURUANG ni Maine Mendoza ang lola ng boyfriend nitong si Arjo Atayde, na si Mamima Pilar Atayde na sumayaw ng Tala.

MAINE N ARJO2

Tuwang-tuwang binibidyo ni Arjo si Maine habang nagtuturo sa Mamita niya kasama ang kapatid na si Gela Atayde na sumasayaw ng pinakasikat na awitin ni Sarah Geronimo ngayon.

Habang sumasayaw sila ay nanonood naman ang Daddy Art Atayde ng aktor at binubuyong sumabay na ring sumayaw ang asawang si Sylvia na kumukuha rin ng bidyo.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Ang caption ni Ibyang, “Yong ang saya lang ng Monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, Mamita Pilar, Gela at @Marjso na tinuturuan ni Maine mag Tala lahat kami dito sa bahay.“Coach @mainedcm thank you at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag Tala kami ha ha ang cute mo Maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat na-bully mo napahalakhak at napagTala mo ang asawa ko hahaha#family #happiness #blessing #bonding #dancingtala #priceless #goodvibes#thankuLORD. Happy morning.

Samantala, may mga pinost ding larawan si Ibyang na kasama nilang nananghalian si Maine at Arjo.

-Reggee Bonoan