HANDANG-HANDA na si JC Santos sa pinaka -challenging role bilang father-to-be sa unang baby girl nila ng kanyang non-showbiz wife Shyleena Herrera. She is due to give birth next month.

JC-SANTOS

Mag-school mate sina JC at Shyleena na muling pinagtagpo na tadhana many years ago. When they met again ay sinabi ni JC na hindi na niya ito pakakawalan. Thirty one years na si JC at ready nang lumagay sa tahimik. Nagpakasal sila September of last year.

Ang maging ama is a dream come true for the actor. Mahilig mag-alaga ng bata si JC. Two months siyang mamahinga from showbiz to be a full-pledged father at kung papayagan ng doktor, he wants to cut the baby’s umbilical cord. ‘I want to be a good and loving father’.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

For the record, one of the busiest actors si JC last year. Sampung pelikula ang kanyang nagawa kasama na ang Miracle In Cell No.7, a topgrosser sa MMFF.

Sa February 5 ay balik tambalan sila ni Bela Padilla sa romantic hugot drama, On Vodka, Beers And Regrets. Mula sa Viva Films na siyang nagproduce ng Miracle In Cell No. 7.

-REMY UMEREZ