Binasag na ng biyuda ng yumaong NBA superstar na si Kobe Bryant, na si Vanessa ang kanyang pananhimik, kasunod ng pagkasawi ng asawa at anak nito sanhi ng helicopter crash noong Enero 26 (Enero 27 sa Manila).

van

Sa pamamagitan ng isang social media (Instagram) post nitong Miyerkules, (Huwebes ng umaga sa Manila), madamdaming ipinahayag ni Vanessa ang kanyang saloobin hinggil sa pagkamatay ng kanyang mag-ama na sina Kobe at Gianna.

Una ay pinasalamatan ng 37-anyos na biyuda ang lahat ng tao sa buong mundo na nagpapahatid ng simpatya sa kanilang pamilya, lalo na ang mga malalapit na kaibigan nila ni Kobe.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Kasunod nito ay nangako siya ng tulong na makabuo ng pondo para sa mga pamilya ng iba pang pasahero na kasama ng kanyang mag-ama sa helicopter na bumagsak.

“Thank you for all the prayers. We definitely need them. We are completely devastated by the sudden loss of my adoring husband, Kobe — the amazing father of our children; and my beautiful, sweet Gianna — a loving, thoughtful, and wonderful daughter, and amazing sister to Natalia, Bianka, and Capri. We are also devastated for the families who lost their loved ones on Sunday, and we share in their grief intimately,” ayon sa kanyang post sa Instagram.

Nakatakda sanang ipagdiwang ng mag-asawang Bryant ang kanilang ika-19 na anibersaryo.

“There aren’t enough words to describe our pain right now. I take comfort in knowing that Kobe and Gigi both knew that they were so deeply loved. We were so incredibly blessed to have them in our lives. I wish they were here with us forever. They were our beautiful blessings taken from us too soon,” ayon pa sa nagdadalamhating asawa ni Bryant.

Ayon pa kay Vanessa, hindi pa siya kung anong buhay ang naghihintay sa kanilang mag-iina na naiwan ngayong wala na ang haligi ng kanilang tahanan at ang kanyang pangalawang anak, ngunit naniniwala siya umano na gagabayan sila ng kanyang mag-ama.

“I’m not sure what our lives hold beyond today, and it’s impossible to imagine life without them. But we wake up each day, trying to keep pushing because Kobe, and our baby girl, Gigi, are shining on us to light the way. Our love for them is endless — and that’s to say, immeasurable. I just wish I could hug them, kiss them and bless them. Have them here with us, forever,” aniya.

Ang mag-asawang Bryant ay biniyayaan ng apat na anak na babae na sina Nathalie, ang yumaong si Gianna, si Bianka at Capri na pitong buwang gulang pa lamang.

AP