KUNG ang Jadine ay nakitang magkasama at nag-uusap nang dumalo sa isang event ay kabaligtaran naman nina Joshua Garcia at Julia Barretto na hindi nagpapansinan sa pinuntahang okasyon para sa selebrasyon ng Chinese New Year nitong Sabado at promo na rin ng pelikula nilang Block Z na may premiere night ngayong gabi.

Joshua at Julia

Ang galing ng kumuha ng video dahil hindi siya pinigilan ng staff ng Star Cinema o ng mga handler nina Joshua at Julia na tigilan na ang pagkuha dahil nga palabas nang dating magka-loveteam na okay sila sa publiko base na rin sa pahayag nila sa nakaraang mediacon ng Block Z.

Base na upload na video ay kitang-kita na nakaupo si Julia at sa iba nakatingin na halos mabali ang leeg. Si Joshua naman ay ayaw umupo sa tabi ng aktres at mas gustong tumayo na lang habang hinihintay na tawagin sila sa entablado at doon magpapa-kilig na in fairness sabi ng mga nakapanood ay okay naman sila.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang hirap ng buhay ng artista kahit ayaw mong makita o naiirita ka nang makasama ang dati mong karelasyon ay hindi mo magawa lalo’t may pelikula kayong pino-promote. Akala ba namin ay okay sila, bakit hindi man lang sila nagbabatian?

Sabagay, matalino na ang manonood ngayon, keber ba nila kung mag-dyowa o hindi na ang mga bida ng pelikulang pinapanood nila, basta’t nagandahan sila, nagiging word of mouth ito.

Speaking of Block Z, palabas na ito bukas, Miyerkoles mula sa Star Cinema at idinirek ni Mikhail Red.

-Reggee Bonoan