BIÑAN, LAGUNA – Taliwas sa naging kampanya sa Datu Cup, matikas ang hataw ng Pasig Sta. Lucia sa nakamit na playoffs spot sa 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season nitong Sabado sa Alonte Sports Arena dito.

27PINANGUNAHAN ni Jeric Teng (kanan) ang ratsada ng Pasig Sta. Lucia Realtors para makahirit ng playoff sa MPBL.

27PINANGUNAHAN ni Jeric Teng (kanan) ang ratsada ng Pasig Sta. Lucia Realtors para makahirit ng playoff sa MPBL.

Sa pangunguna ni dating Realtors pro Jeric Teng, tumipa ng averaged 27.4 puntos, 6.8 rebounds at apat na assist, nakahiriot ng playoff para sa susunod na round ang Pasig.

“We are just thankful na nakapasok kami sa playoffs given na two weeks before the season lang nabuo ang team. I am very happy kasi alam namin na pinaghirapan talaga namin ito,” pahayag nit eng, miyembro ng University of Santo Tomas sa collegiate league.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Sa playoff-clincher, pinagbidahan niya ang ratsada ng Realtors sa all-around game na may 30 puntos, walong rebounds, apat na assists, dalawang steals at isang block.

Nagaw anila ito nang gapiin ang Navotas Uni-Pak Sardines, 107-100.

Sa nakalipas na season bagsak ang Pasig was sa ilalim ng standings ng 26-team field tangan ang 4-21 karta. Samantala, sa Lakan Cup umusad ang Realtors sa No.7 sport na may 17-11 karta.

“Umpisa pa lang ito. Gagamitin ko yung experience ko sa UAAP at PBA. Up or down dapat forty minutes kaming lumalaban. Walang shortcuts sa practice, ensayo kung ensayo,” pahayag ng 28-anyos na si Teng.

Umaasa naman si Pasig head coach Bong Dela Cruz na ang tagumoay ng Pasig ay simula pa lamang sa mas matinding hamon na kanilang susuunging.

“Last season, alam naman natin na nasa baba ang Pasig. Malaking achievement na nakapasok kami sa top eight ng North pero hindi kami magsstop doon. We will take it one game at a time,” sambit ni Dela Cruz.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Bicol-LCC Stores sa Quezon City-WEMSAP, 89-87, habang namayani ang Cebu-Casino Ethyl Alcohol sa Imus-Luxxe Slim, 101-76.

Iskor:

(Unang Laro)

Pasig-Sta. Lucia 107 - Teng 30, Nimes 22, Mendoza 15, Manalang 15, Najorda 12, Gotladera 6, Tamayo 3, Velchez 2, Chavenia 2, Medina 0, Grealy 0, Canon 0.

Navotas Uni-pak Sardines 100 - Abdurasad 18, Bondoc 17, Andaya 13, Gonzales 13, Guillen 11, Cabahug 11, Evangelista 6, Melegrito 6, Prudente 3, Matillano 2, Vicencio 0, Soriano 0, Mamaclay 0, Bautista 0.

Quarterscores: 27-18, 53-42, 85-74, 107-100.

(Ikalawang Laro)

Cebu-Casino Ethyl Alcohol (101) - Octobre 19, McAloney 13, Lee Yu 13, Viloria 11, Ubalde 10, Galvez 8, Lao 8, Cortes 8, Huang 4, Cenita 3, Nuñez 2, Ilad 2, Mantilla 0, Saycon 0.

Imus-Luxxe White (76)- Deles 12, Cunanan 11, Anderson 10, Ng Sang 10, Nacpil 9, Munsayac 6, Caceres 4, Gonzaga 3, Ong 3, Morales 3, Vito 2, Dedicatoria 2, Cawaling 1, Arellano 0.

Quarterscores: 29-21, 50-37, 75-53, 101-76.

(Ikatlong Laro)

Bicol-LCC Stores( 89) - Buenafe 22, Garcia 16, Alday 14, Lalata 13, Aldave 11, Mondragon 4, Alfonso 3, Olea 3, Ongteco 2, Lao 1, Guerrero 0, Manalang 0, Gusi 0.

Quezon City-WEMSAP (87) - Costelo 25, Derige 16, Olayon 13, Castro 8, Medina 7, Sison 6, Barua 5, Atabay 3, Olea 2, Morillo 2, Gadon 0.

Quarterscores: 20-20, 38-40, 60-63, 89-87.