”His commitment to impunity is a mockery of the Ignatian values!”
Kinondena ng Ateneo Law School Student Council (ALSSC) ang naging pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano sa Senado sa kabila ng inisyung warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Matatandaang muling nagpakita sa mata ng publiko si Dela Rosa matapos ang humigit-kumulang anim na buwan mula noong Nobyembre 2025 hanggang Mayo 11, 2026, nang maganap ang kudeta sa Senado at palita ni Cayetano si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Gabi ng Mayo 13, nagulantang ang publiko sa magkakasunod na putok ng baril sa Senado mula sa mga opisyal ng Office of Sergeant-at-Arms (OSAA) at National Bureau of Investigation (NBI).
Base sa tala at nakumpiskang CCTV footage ng mga awtoridad, matagumpay na nakaalis ng Senado at nakatakas sa mga awtoridad si Dela Rosa bandang 2:30 ng madaling-araw noong Mayo 14, anim na oras nang maganap ang putukan tanggapan ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ayon naman sa inilabas na pahayag ng student council ng alma mater ni Cayetano ng Ateneo Law School kamakailan sa kanilang Facebook page, sinabi nilang “na-fell short” daw ang bagong Senate President sa inaasahan nilang etikal na pamumuno at pagseserbisyo bilang Atenista.
“In this light, the Ateneo Law Student Council believes that Senator Allan Cayetano fell short of the ethical leadership expected of him as an Atenean,” anila.
Anila, dismayado raw ang mga mag-aaral ng Ateneo Law School sa naging aksyon ni Cayetano bilang modelo sana ng may prinsipyong pamumuno at “mockery” o pangungutya raw ang ginawa nito sa kanilang “Ignatian values” bilang mga Atenista.
“His actions disappoint those students who look to alumni of this institution for examples of principled leadership. Furthermore, his commitment to impunity is a mockery of the Ignatian values that we were all taught to hold dear to the core of our hearts,” diin nila.
Dagdag pa nila, “There is no expression of the virtue of Lux in Domino when an Atenean Senator shrouds himself in darkness.”
Pagpapatuloy nila, hindi raw nakitaan si Cayetano ng aspirasyon nilang maging “person for others” dahil sa pag-iisip lamang nito sa kaniyang sarili at mga kakampi sa politika.
“There is no expression of the aspiration of being a Person For Others when an Atenean Senator appears to think only for himself and his political allies,” ‘ika nila.
“And there is no expression of the value of MAGIS when an Atenean Senator does less than what is expected of him by his nation,’ pagtatapos pa nila.
Panawagan ng ALSSC, sumuko na raw si Dela Rosa sa mga awtoridad para madepensahan niya ang mga alegasyong laban sa kaniya.
Inapela rin nilang bigyang dangal ng Senado ng Pilipinas ang kanilang Konstitusyonal na mandato at tumangging maging santuwaryo ng mga indibidwal na kailangan managot sa batas.
Ganoon din na panghawakan ng mga ALS alumni ang kanilang prinsipyo, at isipin daw ni Cayetano kung pasok ba raw ang kaniyang mga kinikilos sa kanilang prinsipyong Veritas, Integritas, Justitia, at paninindigan ng Ateneo Law School.
KAUGNAY NA BALITA: SP Cayetano, ginamit Pokémon para ipaliwanag nangyaring gulo sa Senado
KAUGNAY NA BALITA: 'As Senate President, we’re simply here to do our job, however long or short that may be!'—SP Cayetano