NEGATIVE para sa iilan ang sagot ni Julia Barretto na “I’ll doooo it” bilang sagot sa suggestion ng isang netizen na kung gagawa ng lesbian movie si Liza Soberano, sana si Julia ang kuning leading lady ng Black Sheep Productions.

Julia B. Liza

May nag-react na nakikisakay si Julia sa kasikatan ni Liza, kaya ‘wag na siyang makisali. This is unfair kay Julia dahil sikat din naman siya at may mga project at showing na nga sa January 29, ang zombie movie na Block Z.

May nag-comment naman na “too sexy” si Liza para sa lesbian role na unfair din sa mga lesbo dahil may mga kilala kaming magaganda na ay mga seksi pa at daig pa ang mga totoong babae.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Anyway, tinag ng netizen si director Dan Villegas na wish nilang siyang mag-direct ng lesbian movie ni Liza kung sakali at game si direk Dan na idirehe ang lesbo movie ni Liza kung meron nga.

Maganda nga ito magiging bago sa fans ni Liza ang nasabing role at wala naman sigurong hindi papabor sa kanyang fans kung sakali.

-NITZ MIRALLES