Pinay batters, may tsansa sa World tilt
Pinay batters, may tsansa sa World tilt
IBINIDA ng National Women’s Baseball Team, pinangangasiwaan ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga, ang mga tropeo sa kanilang ‘courtesy call’ kina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (gitna) at Commissioner Charles Maxey nitong Lunes. Nakamit ng Pinay batters -- kauna-unahan sa nakalipas na 48 taon -- ang ikatlong puwesto sa prestihiyosong Baseball Federation of Asia Women's Cup kamakailan sa Panda Stadium sa Guangdong, China.