AKTRES talaga si Jodi Sta. Maria, dahil handa itong gawin ang lahat kung kakailanganin sa script at unang beses namin siyang napanood sa isang proyekto na nagsasalita ng gay lingo at umarteng one of the gays sa digital series na My Single Lady.

DREK CATU

Napanood namin ang 3 episodes ng My Single Lady sa screening nito sa Trinoma Cinema 6 nitong Linggo at tawa kami ng tawa kay Jodi na dinaluhan ng mga kasama niya sa programa na sina Zanjoe Marudo, Ian Veneracion at iba pang kasama sa show.

Parehong mahuhusay ang tatlo at walang gustong magpa-kabog lalo na ang gumanap na bading na sina Iyah Mina, Brenda Mage, at Vitex Paguirigan.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Tawang-tawa kami kay Jodi sa karakter na Chona na in-impersonate si Mama Reg (Regine Velasquez) na ginagawa ng kaibigan niyang bading din na inatake at kinailangan ng kapalit.

Handog ng iWant ang isang makulay na kuwento ng isang single mom na kikiligin sa dalawang lalaki sa family comedy series na My Single Lady na mapapanood na sa Miyerkoles, Enero 22 mula sa Dreamscape Digital, Jodi Sta. Maria productions at B617.

Samantala, sobrang tuwa naman ni Direk Carlo Enciso Catu dahil maganda ang narinig niyang feedback sa unang digital serye niya sa iWant. Unang beses din kasing gumawa ng comedy ng batang direktor na ang mga proyekto ay parang mga drama.

Ang post ni direk Carlo nitong Lunes ng madaling araw with pictures sa ginanap na screening, “What a wonderful night! Sobrang sarap niyo pong kasama manood ng My Single Lady, ako mismo nadadala hindi lang sa mga eksena kundi sa kung paano niyo tinanggap ang katatawanan at slight dramahan ng kwento ni Chona Mae San Miguel!! Haha.

“Special mention sa family ko who supported me all the way from the Culinary Capital of the Philippines, my home town, Pampanga!! Super thanks guys! Love you all!

Next na abangan natin ang episodes 4, 5 at 6! Nako ang dami pa mangyayare, promise!! At sa mga di pa nakanood, lahat ng episodes ay streaming na sa #IWant this coming Jan. 22! Salamasteh! #MySingleLady

-Reggee Bonoan