GALING sa Cebu City at nakisaya sa Sinulog Festival ang karamihan sa major cast ng darating na teleserye ng GMA-7 na Descendants of the Sun na ginawan ng Philippine adaptation ng network.

Dots cast

Pinangunahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang cast ng DOTS na pumunta sa Cebu at nakasama rin nila sina Rocco Nacino, Chariz Solomon, Andre Paras, Paul Salas, Jon Lucas, Prince Clemente, Hailey Mendez at Lucho Ayala. Humarap din sa Cebu press ang mga nabanggit at nagkuwento tungkol sa teleserye.

In-announce nina Jennylyn at Rocco na sa February 10, 2020 na ang premiere ng DOTS sa direction ni Dominic Zapata. Happy at very proud ang cast na mapasama sa cast ng teleserye dahil biggest project ito ng GMA-7 this year, big cast, at marami na ang naghihintay na maipalabas.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Kabilang sa mga inaabangan ng viewers ay ang iconic scenes ng mga karakter na ginagampanan nina Dingdong at Jennylyn. Kasama na rin ang maraming kissing scenes na iilan pa lang ang nakunan ni direk Dom.

“Hindi pa nakunan lahat ang mga hinihintay na iconic scenes nina Big Boss at Beauty, marami pa. Iyong chopper scene ng Alpha Team, pinag-usapan namin ni direk Dom kung gagayahin ba namin ‘yung buong eksena. One of my favorite scenes sa Korean drama ang eksenang ‘yun. ‘Yung flip scene ng cellphone, nakunan na at matagal ko ‘yung prinaktis,” sabi ni Dingdong.

Ayun naman kay Jennylyn, “matagal naming sinu-shoot ang iconic scenes dahil kailangang detalyado. Kina-career ni direk Dom ang pagsu-shoot ng iconic scene para hindi ma-disappoint ang nakapanood na ng original DOTS,” wika ni Jennylyn.

Samantala, natanong si Jennylyn kung kailan sila ma-i-engaged ng BF niyang si Dennis Trillo dahil sunud-sunod ang na-i-engaged at iinakasal sa showbis.

“Hindi pa ako pwedeng ma-engaged lalo na ang mag-asawa, mahirap sabihin. Hindi rin naman kami nagmamadaling magpakasal ni Dennis, unahin muna namin ang trabaho. Bata pa naman kami,” sabi ni Jennylyn.

Sinabi ni Jennylyn ang rason kung bakit hindi pa siya puwedeng mag-asawa, pero off the record at bawal isulat. Tama naman si Jennylyn, marami pa silang commitment ni Dennis at kasama ang post-Valentine concert nila na Co Love Live concert sa February 15 sa New Frontier Theater.

Sa kaso ni Jennylyn, sabay ng paghahanda nila ni Dennis sa kanilang concert ay ang taping ng DOTS at promo ng cast bago ang airing sa Feb. 10.

-NITZ MIRALLES