ILOILO – Naisalpak ni Aaron Jeruta ang game-winner para maisalba ang Iloilo United kontra Zamboanga-Family’s Brand Sardines, 60-58, nitong Sabado sa 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season sa University of San Agustin Gym.

36SANDIGAN ng Zamboanga si Alvin Pasaol sa MPBL Lakan Cup

SANDIGAN ng Zamboanga si Alvin Pasaol sa MPBL Lakan Cup

Nalusutan ni Jeruta, ipinagmamalaking anak ng lalawigan, ang depensa ni Robin Roño para sa mapakipigil-hiningang layup may 12.4 segundo ang nalalabi para sandigan ang Iloilo sa pagputol sa two-game losing skid.

May pagkakataon pa ang Zamboanga na agawin angh panalo. Ngunit sumablay ang pagtatangka ni Anton Asistio sa three-point area, gayundin ang floater ni Santi Santillan sa buzzer.

Pamangkin ni Hidilyn Diaz, unang atletang sumungkit ng ginto sa weightlifting sa Palarong Pambansa

“Aaron will always be Aaron. Sa wakas. Ilang game nang gigil na gigil siya. Sa wakas naman ay nabigiyan siya ng chance for that bucket,” pahayag ni Iloilo coach Eric Gonzales.

Naghahabol ang Royals sa anim na puntos, 45-51 papasok sa final period, ngunit nagawang malimitahan ang Zamboanga sa pitong puntos, habang matikas na kumana ng 15 para agawin ang bentahe at mailusot ang panalo.

Kumana si Jeruta, mula sa Jaro, Iloilo, sa naiskor na limang puntos, pitong rebounds at apat na assists para sa Royals. Nanguna si Al Tamsi na may 17 puntos, tampok ang limang triples, habang tumipa si Rey Publico ng 14 puntos at siyam na rebounds para sa 16-10 karta ng Iloilo.

Nanguna si Santillan sa Zamboanga na may 15 puntos at limang rebounds, habang kumana si Alvin Pasaol ng 14 puntos.

Sa rematch ng Datu Cup Finals, ginapi ng champion San Juan-Go for Gold ang Davao Occidental-Cocolife, 84-65.

Nagpakatatag ang Knights sa bawat pagtatangka ng Tigers na maagaw ang momentum, sapat para maisalba ang panalo, tampok ang krusyal na opensa nina Jhonard Clarito, Andoy Estrella, John Wilson, at CJ Isit.

“Siyempre, nagulat kami sa maagang lamang, pero lumaban kami sa depensa, sa dikdikan. Naka-match kami, naka-execute at gumana ang depensa namin,” sambit ni Knights coach Randy Alcantara.

Kumubra si Orlan Wamar ng 15 puntos para sa Knights tungo sa 23-3 karta at manatili sa ibabaw ng Northern division standings. Nag-ambag si John Wilson ng 14 puntos, pitong rebounds, at dalawang steals.

Iskor:

(Unang Laro)

Iloilo (60) -- Tamsi 17, Publico 14, Escoto 13, Jeruta 5, Racho 5, Arambulo 3, Prado 2, Parker 1, Gumaru 0, Mahari 0, Pantin 0, Li 0.

Zamboanga-Family’s Brand Sardines (58) -- Santillan 15, Pasaol 14, Black 8, Rono 6, Reyes 5, Thiele 3, Villamor 3, Manzo 2, De Vera 2, Bonsubre 0, Asistio 0, Arboleda 0, Morido 0.

Quarters: 11-19, 32-35, 45-51, 60-58.

(Ikalawang Laro)

San Juan-Go for Gold (84) - Wamar 15, Wilson 14, Subido 11, Ayonayon 9, Clarito 9, Tajonera 9, Rodriguez 6, Isit 4, Estrella 4, Reyes 2, Aquino 1, Victoria 0, Bonifacio 0, Pelayo 0, Bunag 0.

Davao Occidental-Cocolife (65) - Ludovice 14, Yee 14, Gaco 9, Calo 8, Robles 6, Balagtas 5, Albo 3, Mocon 2, Bonleon 2, Forrester 1, Raymundo 1, Saldua 0, Dumagan 0, Adormeo 0.

Quarterscores: 26-13, 49-31, 63-51, 84-65.