SA pangatlong pagkakataon ay nagbabalik ang tested na tambalan nina Bela Padilla at JC Santos na titled On Vodka, Beers, and Regrets. It has a woman’s touch mula kay Irene Emma Villamor na siya rin sumulat ng istorya.

Bela at JC

Nang i-post ng Viva sa Facebook page ang teaser trailer umani ito more than 900,000 views at within 24 hours ay umabot ng 4 million views sa lahat ng social media platforms. Kung ito ang pagbabatayan we can assume na this is one of the most anticipated films sa panimula ng bagong dekada.

Tulad ng mga previous movies nina Bela at JC Santos, umiikot ang story sa mga nilalang looking for happiness tulad ni Jane Pineda.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Jane has been actress na nagumon sa alak dala ng matinding depression. One drunken night nakilala niya si Francis and they fell in love. Para sa mga hopeless romantics ang pelikula at alin sa dalawa- may happy ending ba para kina Jane at Francis or mananatili silang broken -hearted?

For the record, unang nagtambal sina Bela at JC sa 100 Tula Para Kay Estella. It was a big hit at sinundan agad ng The Day After Valentines. Muling masusubok ang katatagan ng kanilang tambalan sa On Vodka, Beers, and Regrets. A pre Valentine offering mula sa Viva Films.

-REMY UMEREZ