Nagsimulana ang isang buwang exhibit ng national costume na ginamit ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa pre-pageant nitong Miyerkules sa Legazpi City Museum sa Albay.

cATRIONA

Sinabi ni Darlito Perez, curator ng Museo de Legazpi sa Balita, na ang exhibit ay bukas para sa publiko upang makita nila ang gown na may inspiring delight artwork na naglagay sa bansa sa mapa ng mundo.

“We exhibit the gown of Catriona Gray, actually sa dalawang pinaka-importanteng rason. Una, yung roots ni Catriona bilang Bicolana at alam naman natin na ang ina niya ay from Oas, Albay. In other words, nagbigay ito ng honor sa ating rehiyon na nanalo hindi lang sa Manila kundi sa international pageant. Pangalawa, ipakita natin na hetong national costume na ginamit ng isang Bicolana, andun mismo tayo sa costume. Kasama tayo doon dahil doon sa likod ng parol, makikita yung Cagsawa at Mayon. Ipinakita yun in an international set. Hetong exhibit is to give honor to Catriona and at the same time educate our kababayans,” aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Binanggit din ni Perez ang iba pang kahalagahan ng exhibit dahil ito ay nagkukuwento kung paano nagsimula ang daan ni Catriona patungo sa Miss Universe.

nATIONAL COSTUJME NI cATRIONA _NINO LUCES

“Educational din po ito because ginawan po natin ng pitong panels. Makikita po lahat dito kung papano nagsimula si Catriona, pati yung lava walk, papano yun ginawa, saan yun ibinase at ano na ang basehan ng lava, anong kauna-unahang sinalihan niyang contest, lahat ng charity works niya, andyan lahat yan,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Perez ang kahalagahan ng pagpapakita ng gown sa publiko dahil ito ay sumasalamin sa kulturang Pilipino bago ang panahon ng mga Kastila.

“The national costume of Catriona Gray is based on the Visayan tattoo. Marahil magtatanong kayo, kung panahon pa yan ng pre-Spanish, papano tayo nagka-record? Meron isang text ang tawag ay The Boxer Codex na ipinangalan sa isang tao na ang pangalan ay Charles Boxer. Doon kay Charles Boxer sa codex, may code siya sa lahat ng iba’t ibang tattoo in different parts of the world. Isa doon, andun yung Visayan warrior tattoo. So kung titingnan ninyo yung costume ni Catriona, lalabas na ibinase ito sa isang Visayan warrior na ang kanyang katawan ay nababalot ng tattoo. Based on studies, hetong tattoo, based on war, based on achievement or rank,” aniya.

Kinilala din ni Perez ang kahalagahan ng “Parol” na kumakatawan sa lalawigan ng Pampanga.

Samantala, sinabi ni Perez na nakikipag-ugnayan na rin sila kay Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin para mailagay ang memorabilla ng namayapang aktor na si Manoy Eddie Garcia sa Museo de Legazpi.

Sinabi niya na kapag ito ay nangyari, ang memorabilla ni Eddie Garcia tulad ng costumes, awards at marami pang iba ay i-exibit sa museum.

-NINO N. LUCES