KABUUANG 137 players ang nagpalista sa gaganaping 2020 PBA D-League Draft.
Nangunguna sa listahan sina Fil-Am high-flyer Jamie Malonzo at Gilas pool member Jaydee Tungcab para sa drafting na gaganapin sa Lunes sa PBA Office sa Libis.
Matikas ang naging kampanya ng 13-anyos at 6-foot-6 na si Malonzo sa La Salle kung saan napasama siya sa Mythical Team sa nakalipas na UAAP season.
Naglaro ang 22-anyos at 6-fppt-3 na si Tungcab sa University of the Philippines bago naisama ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa national team pool.
Naglalaban ang dalawa para sa top pick.
Tangan ng AMA Online Education, sa ikaapat na sunod na taon, ang karapatan sa No.1 pick.
Sumama rin sa Draft sina dating Batang Gilas standout Jollo Go, ex-UAAP Juniors MVP Jerie Pingoy, Cebuano standouts Darrell Menina and Jaybie Mantilla, former CEU scorer Judel Fuentes, at UE forward John Apacible.
Sa listahan, 17 ang Fil-foreigners players sa pangunguna nina Malonzo, former La Salle shooter Joshua Torralba, at UP’s James Spencer, David Murrell, at JJ Espanola.
Sumabak din ang mga miyembro ng aharlika Pilipinas Basketball League tulad nina Yves Sazon at King Destacamento.