ISA pang ‘anghel’ ang tumulong din sa mga biktima ng Bulkang Taal, si Angeline Quinto na kaagad ding tumugon sa mga nangangailangan.

ANGELINE QUINTO

Base sa nakita naming na-post sa social media ay nasa Kaylaway Elementary School Nasugbu si Angeline at namamahagi ng tulong mula sa kanya.

Tinatawagan namin kahapon ang singer/actress para hingan ng pahayag tungkol dito pero hindi kami sinasagot. Maging ang personal manager niyang si Cynthia Roque ng Cornerstone Management ay hindi rin kami sinagot.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sabagay, base rin sa pagkakakilala namin kay Angge ay hindi rin nito ipinagsasabi kapag nakakagawa siya ng maganda sa kapwa hindi lang naiiwasang may mga nagpo-post ding netizens.

At sa mga hindi nakakaalam, sobrang galante rin ang singer/actress sa mga kasama niya sa bahay dahil tinuturuan niyang mag-ipon ang mga ito at kung magkano ang naipon pagkatapos ng taon ay tinatapatan niya ito ng groceries na puwedeng iuwi sa pami-pamilya nila.

Kaya pala sobrang mahal si Angge ng mga taong nakakakilala sa kanya dahil hindi siya nakakalimot lalo na ang mga taga-Sampaloc, Manila kung saan sila tumira ni Mama Bob noong hindi pa siya sikat.

-Reggee Bonoan