UMABOT na sa mahigit 21K ang views sa YouTube ng vlog ni Piolo Pascual kung saan pinost niya, ‘My Birthday Salubong.’ Enero 12 ang kaarawan ng aktor kaya’t Sabado palang ng gabi ay nasa rest house na siya kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Piolo2

Base sa tsika sa amin ng taong malapit sa aktor ay ginanap ang birthday salubong nito sa bahay at resort nito sa Batangas.

Ang ganda ng bahay ni Piolo na mala-Thunderbird Porpoint Hotel at sa harap nito ang infinity Olympic size pool overlooking.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

At kinabukasan, Linggo ay nasa yate si Piolo habang pinapanood ang malakas na buga ng usok mula sa Taal Volcano.

Hindi para sa sarili ang wish ng aktor kundi para sa kababayan nating nasalanta sa pagsabog ng Bulkang Taal.

“My birthday wish right now is for everyone to be safe.”

-Reggee Bonoan