HAPON pa lamang ng Sunday, January 12, nag-tweet na si Daddy Bae ni Alden Richards ng photo ng Taal Volcano na nagbubuga na ng makapal na usok mula sa main crater.

Alden Richards 01082020

Ang unang Concha’s Cafe ni Alden sa The Cliff, Tagaytay, ay overlooking ng Taal Volcano kaya nagiging tourist attraction din ito ng mga kumakain sa mga restaurants sa paligid nito. May mga times na kung maulap ang langit, hindi mo makikita ang Taal Volcano dahil nga mababa lamang ito at napapaligiran ng tubig.

As per report pang natanggap namin last Sunday, apektado rin ang dalawa pang Concha’s Cafe ni Alden dahil sa makapal nang ashfall na naganap. Ang isa pa ay ang Concha’s Cafe sa Silang, Cavite at ang Concha’s Cafe sa Tagaytay Highlands. Nawalan na rin kasi ng electricity sa Tagaytay at iba pang karatig na lugar.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kababalik din lamang ni Alden from Tokyo, Japan, pero dasal na lamang ang ginawa niya para sa kaligtasan ng lahat na apektado ng Taal Volcano eruptions.

Kahapon, Monday, nag-report na rin si Alden sa taping ng kanyang inspirational drama na The Gift for GMA Network.

Gani to r in ang nangyar i kahapon sa iba pang mga artista na may kani-kaniyang teleseryeng ginagawa, kasama na lamang ang pag-iingat dahil everywhere na ang inabot ng ashfall. Prayers for everyone’s safety.

-NORA V. CALDERON