DENVER (AP) — Nadomina ng Denver Nuggets, sa pangunguna ni Nikola Jokic na kumana ng 20 puntos at 15 rebounds, ang Los Angeles Clippers, 114-104, nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Naghabol sa 20 puntos na bentahe sa second half ang Los Angeles ang nagawang makadikit sa anim na puntos may 1:11 ang nalalabi sa laro. Ngunit, sa gitna na rally, napatawan ng technical si Clippers coach Doc Rivers at napatalsik sa laro nang hindi nagustuhan ang foul na itinawag kay Patrick Beverley sa depensa kay Jokic.
Naisalpak ni Jamal Murray ang dalawang free throws para selyuhan ang panalo ng Nuggets. Tumapos si Murray na may 19 puntos, habang tumipa si reserve Michael Porter Jr. ng 13 puntos.
Nanguna si Kawhi Leonard sa Clippers na may 30 puntos, habang kumana si Lou Williams ng 26 puntos at tumipa si Montrezl Harrell ng 25 puntos. Hindi nakalaro sa Clippers si star forward Paul George bunsod ng strained sa kaliwang hamstring.
SUNS 100, HORNETS 92
Sa Phoenix, nagsalansa si Kelly Oubre Jr ng 25 puntos at 15 rebounds para sandigan ang Suns sa 100-92 panalo kontra Charlotte Hornets.
Kumana si Oubre ng 15 puntos sa second half para makabawi mula sa malamyang opensa ni Suns star guard Devin Booker na kumana ng 3 of 12 shooting tungo sa 12 puntos at siyam na assist.
Kumabig si Deandre Ayton ng 18 puntos at siyam na rebounds para sa ikalimang panalo ng Phoenix sa huling walong laro.
Nanguna si Dwayne Bacon ng 24 puntos para sa Hornets, habang tumipa si Devonte Graham ng 22 puntos at walong assist.
Bacon’s layup and free throw with 1:44 left cut the Suns’ lead to 89-87. Ayton put the Suns up 91-87 with a layup, and Oubre picked up a loose ball and dunked with 45 seconds left for a 93-87 lead.
SPURS 105, RAPTORS 104
Sa Toronto, nagbalik sa Air Canada center ang dating star at ngayo’t San Antonio mainstay DeMar DeRozan sa naiskor na 25 puntos, habang tumipa si Rudy Gay ng 15 puntos sa panalo ng Spurs kontra defending champion Raptor.
Umabante ang San Antonio sa 18 puntos na bentahe at nagpakatatag sa krusyal na sandali para maitakas ang panalo. Nag-ambag si Derrick White na may 13 puntos, habang kumana si LaMarcus Aldridge ng 11. Nagsalansan si DeRozan ng 20 puntos, walong rebound at apat na assist. Naghabol ang Raptors sa 82-69 sa pagsisimula ng fourth quarter, tampok ang 19-5 run.
Abante ang Spurs sa 100-91 may 2:37 ang nalalabi bago kumilos sina Norman Powell at Serge Ibaka sa three0-pointers para maitabla ng Toronto ang iskor sa 100-100 all may 1:17 sa laro.
GRIZZLIES 122. WARRIORS 102
Sa Memphis, Tenn. Hataw si Jonas Valanciunas sa naiskor na 31 puntos at season-high 19 rebounds sa panalo ng Grizzlies sa Golden State 122-102.
Naitala ni Valanciunas ang 13 of 17 sa field, tampok ang three-pointer para sandigan ang Grizzlies sa ikalimang sunod na panalo, habang ipinalasap sa Warriors ang ikawalong sunod na kabiguan.
Kumabig si Jaren Jackson Jr. ng 21 puntos, habang kumana si Ja Morant ng 11 puntos at 10 assists.
Nanguna si D’Angelo Russell, hindi nakalaro sa nakalipas na anim na laban ng Warriors bunsod ng injury sa kanang balikat, sa naiskor na 18 puntos at tumipa sina Alec Burks at Jordan Poole ng tig-13 puntos.
Samantala, nagbalik aksiyon si Kyrie Irving para sandigan ang Brooklyn Nets sa panalo. Kumana si Irving ng 21 puntos sa kanyang unang laromula nang mapinsala ang kanang balikat sa nakalipa sna dalawang buwan, ginapi ng New York Knicks ang Miami Heat 124-121.