HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay nasa biyahe patungong Brazil sina James Reid at Nadine Lustre para sa pictorial ng isang magasin.

james nadine

Matagal ang biyahe patungong Rio de Janeiro, Brazil kung saan ang lugar ng pictorial -- 11 hours mula sa Manila to Istanbul, Turkey, 8 hours layover, 14 hours to Sao Paulo at 1 hour to Rio.

Base sa nakuha naming impormasyon ay hindi magkasama ang JaDine sa iisang cover ng nasabing glossy magazine.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Si Nadine for Mega, si James naman for Mega Man,” sambit sa amin.

“Bakit hiwalay,” tanong naming.

“E, baka kasi hiwalay na talaga, charot!” birong sabi sa amin.

Isa kami sa nagsulat nang dalawang beses dito sa Balita na hindi pa hiwalay ang JaDine base na rin sa panayam kay James ng TV Patrol reporter na si MJ Felipe, panayam namin kay Coleen Garcia sa presscon ng pelikula niyang MIA at mga litratong pinost ng mga kaibigan nina James at Nadine sa kani-kanilang social media account at itong huli ay ang pag-akyat nila sa Mt. Pulag sa Benguet, Ifugao.

Gusto naming bigyan ng pansin ang biro sa amin ng aming source na, “E, baka kasi hiwalay na talaga, charot!” Sabi-sabi kapag idinaan sa biro ang sagot, half-meant, hindi nga kaya totoong hiwalay na at civil lang sa isa’t isa ang JaDine kasi may mga kontrata pa sila sa mga TVC at bawal amining wala na sila?

At habang tinitipa rin namin ito ay nabanggit ng aming source na kasalukuyang nakatira ngayon si Nadine sa isang posh condominium sa Makati City na minabuti naming hindi banggitin ang eksaktong lokasyon.

Anyway, abangan na lang ang susunod na kabanata sa JaDine love story.

-Reggee Bonoan