AS of this writing ay umabot na sa P600M ang kinikita ng Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach kaya naman ngayon palang ay inihahanda na ng Viva producers ang next project ng aktor at kasama si Lea Salonga.

Aga at Lea

Ayon sa tsika ang balik-tambalang Aga at Lea ay ididirek daw ni Nuel Naval for Viva Films ngayong taon.

Sa pagkakaalam namin ay Star Cinema produced ang dalawang blockbuster movies nina Aga at Lea na Bakit Labis Kitang Mahal (1992) at Sana Maulit Muli (1995).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matagal nang plano ng Star Cinema na muling pagtambalin ang dalawa at nabalita ito 2017 pa, pero 2020 na ay wala pang nangyayari kaya siguro naisip na ito n Viva boss Vic na gawan ng pelikula ang dalawa.

Kung sakaling matuloy ay solong produced ito ng Viva dahil exclusive ang kontrata ni Aga rito.

-Reggee Bonoan